cristine reyes

Cristine, nape-pressure sa pagganap kay Sen. Imee

Vinia Vivar Jun 28, 2022
160 Views

Inamin ni Cristine Reyes na malaking pressure sa kanya na gumanap bilang si Sen. Imee Marcos sa pelikulang Maid in Malacañang na ididirek ni Darryl Yap mula sa Viva Films.

“Ang laki ng pressure,” ani Cristine sa virtual mediacon na ginanap recently, “parang ito ‘yung project ko na mabigat. Ang bigat ng bitbit ko at nu’ng binasa ko ‘yung script talagang minamadali ko

‘yung handler ko, ‘please, please ibigay n’yo na ang script sa akin kasi hindi biro ‘tong gagawin ko, eh.”

Kwento pa ng aktres, pati raw ang pag-ikot ng mata ni Sen. Imee ay pinag-aaralan niya gayundin kung paano ito magsalita.

“Gusto ko talagang ma-settle na ito at nu’ng na-meet ko si Senator Imee Marcos talagang tahimik lang ako. Pinagmamasdan ko siya bawa’t kilos niya, bawa’t salita niya paano ba siya ‘yung rolling ‘yung ng eyes niya, ‘ay meron din pala siyang ganu’n,’ okay gagawin ko ‘yun.

“As in like very observant ako kasi siya ‘yung gagampanan ko, eh, very challenging for me, super challenging,” she said.
Ididirehe ni Darryl ang Maid in Malacañang na ipalalabas na sa July 20.

BARBIE, NAKA-RECOVER KAY DIEGO SA TULONG NG PUSA

Kahit break na sila, iniingatan pa rin ni Barbie Imperial ang gifts and letters sa kanya ni Diego Loyzaga.

Buong ningning niya itong ipinakita sa kanyang latest bedroom tour vlog sa YouTube channel niya.

Sa nasabing vlog ay inisa-isa ni Barbie ang laman ng kanyang kwarto hanggang sa may inilabas siyang isang box.

“Meron akong box dito. Ay, nandito pa pala ‘to! Char!” natatawang sabi niya habang kinukuha ang box sa isang closet.

Patuloy ng dalaga, “Mahilig kasi ako mag-keep ng notes galing sa loved ones ko.”

At ipinakita na nga niya ang laman ng box na puro letters and dried flowers at siya na rin ang nag-explain na galing lahat ‘yun sa kanyang ex-boyfriend na si Diego.

“So, ’etong box na ito, mga letters from Diego before, mga flowers din na bigay niya sa akin,” aniya.

“Hay naku, Diego,” sambit pa ni Barbie na ewan kung nanghihinayang ba siya or what.

Pero nilinaw naman agad niya, “Wala namang bad blood, so… Memories, ’di ba?

“Saka ‘wag feeling special kasi marami pa akong ibang ganito,” natatawa pa niyang paliwanag.

“Joke lang, Diego,” sambit pa niya.

Ipinakita rin ni Barbie ang collection of self-care books niya na nakatulong daw sa kanya nang mag-break sila ni Diego.

“Nakaka-help kasi siya ma-boost ‘yung confidence n’yo at mas mahalin n’yo ang sarili n’yo,” sey niya.

Ipinakilala rin niya ang kanyang alagang pusa na siya raw kasama niya sa buong breakup season niya at siyang nagpasaya sa kanya.