Dennis

Netizens, halo ang reaksyon sa IG post ni Dennis

Jun Nardo Jun 28, 2022
126 Views

NAG-SORRY agad ang komedyanteng si Dennis Padilla matapos maging viral ang buwelta sa kanya ng anak na si Leon kaugnay ng hugot ng una nang hindi siya maalala ng mga anak na batiin noong Father’s Day.

“I am sory leon…Miss ko lang kayo… God bless you more.

“Just want to know what false narrative? I’ve been reaching to all of your for15 years in private… @theleaonbarretto @luweezyyyy @dianebalmes @genepadillaaaa @jennyontheblock,” saad ni Dennis sa caption sa picture nila ng anak na si Leon.

Halo naman ang reaction ng followers ni Dennis na ipinadarasal na magkabati na sila ng mga anak at sinasabihan naman siyang gawin in private ang pakikipag-usap sa mga ito.

CARLA, DEDMA  NA SA ISYU KAY TOM 

NAGPAKITA na sa publiko si Carla Abellana nang dumalo sa isang event kasama ang kaibigang si Maxx Collins.

Natanong si Carla sa kanyang interview kung kumusta na siya sa gitna ng pinagdaraanan matapos ang hiwalayan nila ni Tom Rodriguez.

Sa pahayag ni Carla, maayos naman siya sa tulong ng Panginoon, pamilya at mga kaibigan at trabaho.

Pero pagdating sa issues sa kanila ni Tom, tiklop pa rin ang bibig ni Carla matapos magsalita sa kanyang vlog.