Beautehous

Shyleena, ’di pinagseselosan ang laplapang JC at Bela

Vinia Vivar Jun 28, 2022
190 Views

Beautehous1

Ang magaling na aktor na si JC Santos at ang non-showbiz partner niyang si Shyleena ang mga napisil ni Rhea Anicoche-Tan ng Beautederm para maging brand ambassadors ng BeauteHaus.

Ang BeautéHaus ay isang subsidiary ng Beautéderm Group of Companies at itinuturing itong isang major beauté hub sa Angeles City, Pampanga.

Sa bonggang media launch ng BeauteHaus last Sunday sa Clark Marriott Hotel, pormal na ipinakilala sa entertainment press ang mag-asawa bilang pinakabagong endorsers kasabay na rin ng contract-signing.

Si JC at Shyleena ay parehong Kapampangan kaya naman perfect na perfect sila para i-endorso ang BeauteHaus. Bukod dito, sa Pampanga na rin ulit sila nakatira ngayon.

“It’s nice to be back here in Pampanga and ang saya rin kasi wine-welcome kami ni Miss Rhea here,” sey ni JC sa media launch.

“We came back in 2020. We decided to settle down here in 2020, nu’ng nag-start ‘yung pandemic. Because newborn pa si baby (ang first baby nila na si River), so nag-decide kami (na) we need to look for a safe place for her, so dito na kami nag-decide na mag-settle down,” he added.

Naibahagi nga rin ni JC na same school sila na pinasukan ni Shyleena during their high school years in Pampanga. High school crush daw niya ito pero binasted siya.

Fifteen years later ay niligawan niya ulit ito at heto na nga’t nay baby na sila.

Medyo mahiyain si Shyleena dahil hindi sanay sa showbiz kaya naman hanggang ngayon ay overwhelmed daw siya na kinuha siyang endorser ng BeauteHaus along with JC.

Natanong naman si Miss Rei kung bakit ang mag-asawang Santos ang napili niyang maging mukha ng BeauteHaus at ayon sa president/CEO ng Beautederm, siyempre, plus factor na malapit lang ang mga ito sa clinic.

“Iba pa rin siyempre ‘pag kumukuha ka ng isang endorser ng isang skin clinic, ’di ba, mas makatotohanan ‘yung kapitbahay mo lang, ‘yung pwede nilang puntahan,” she said.

“Magandang example sila ng endorser, ’di ba, makatotohanan kasi lagi silang pumupunta do’n, anytime, pwede silang pumunta, naaalagaan mo kasi sila, kasi more on services ang kanilang ine-endorse.

“At siyempre, dahil ang BeauteHaus ay proud Kapampanan company siya, cabalen po tayo, dapat lang na ang magiging face niya ay proud na napakagaling na isang cabalen,” dagdag pa ni Miss Rei.

Ang nakakatuwa, naurirat ng press si Shyleena kung ano ang nararamdaman niya kapag hinahalikan ni JC si Bela Padilla na ilang beses nang naging leading lady ng aktor sa mga pelikula.

Natawa rin si Shyleena at aniya, ninang si Bela ng anak nila ni JC at kaibigan din daw niya ang aktres.

Bukod dito ay secure siya sa pagmamahal ng mister.

“He makes me secure na po so ang tiwala ko sa kanya is 100%. Work lang po talaga siya. Saka friend ko si Bela din. Saka ang kagandahan po do’n is parang lahat po ng nagiging leading lady po niya, nagiging kaibigan ko rin po so parang it’s a good relationship po. Wala pong selos,” sey ni Shyleena.

Samantala, bukod kina JC at Shyleena ay ipinakilala rin ni Miss Rei ang mga local ambassador ng BeauteHaus na sina Marlon Tuazon, Frederick Policarpio, Michelle Viray, Dr. Rowena Mangubat, Lance Tan, Isabel Lim, Joanna Ning Cordero, IC Calaguas, Reina Manuel, Voltaire Zalamea, Mariah Santos at Mak Tumang.