Damit ni Toni at pagkanta ng ‘Lupang Hinirang,’ babantayan ng netizens/viewers

Jun Nardo Jun 29, 2022
168 Views

NAKATUTOK ang buong sambayanan at ibang bansa ngayong araw na ito kaugnay ng panunumpa ng bagong Presidente ng Pilipinas na si Ferdinand Romualdez Marcos Jr. sa National Museum.

Aligaga ang lahat ng involved sa oath-taking ni Marcos Jr.

Present sa rehearsal kahapon ang host-actress-vlogger na si Toni Gonzaga upang mag-rehearse ng Lupang Hinirang na siya ang napiling kumanta.

Kasama ni Toni sa rehearsal ang asawa niyang si Direk Paul Soriano na siya marahil ang director ng historic event.

Nag-rehearse rin ang singer-stage actress na si Cris Villonco, na naatasang kumanta ng Pilipinas Kong Mahal kasama ang Young Voices of the Philippines Choir.

Naku, humanda na sa bashers at mga kritiko si Toni sa pagkanta niya ng Lupang Hinirang pati na ang isusuot niyang damit sa araw na ito, huh!

Siguradong kasama ’yan sa mga babantayan ng netizens at viewers.

SueAlden

SUE, CHOICE NI ALDEN MAKASAMA SA US TOUR

GUEST ni Alden Richards ang Kapamilya star na si Sue Ramirez sa gagawin niyang US tour sa September ng kanyang ForwARd docu-concert.

Mismong si Alden ang nag-tweet na si Sue ang guest niya sa concert na sa California ang kick-off.

Siyempre, curious ang fans ni Alden kung bakit si Sue ang guest niya sa concert dahil may mga Kapuso singer naman na puwedeng maging bahagi ng AR concert niya.

Naku, masiyasat nga kung bakit si Sue ang guest ni Alden, huh!