Calendar
Dahil sa acts of lasciviousness, Amerikano nahuli
INARESTO ng mga pulis ang American national matapos ireklamo ng kasong acts of lasciviousness ng 18-anyos na babae sa 911 emergency hotline, ayon sa Eastern Police District (EPD).
Sinabi ni EPD Director Police Brigadier General Melecio Buslig Jr. na nahuli ang suspek na si alyas “Andrew” matapos masabi ng biktima sa kanyang boyfriend ang location niya sa Brgy. Sta. Lucia, San Juan City.
Inimbita ng suspek ang biktima na magkita sila sa pamamagitan ng WhatsApp. Doon na isinagawa ng suspek ang sexual advances na itinuloy sa bahay.
Doon din naiparating ng biktima ang location niya sa pamamagitan ng pagtawag sa 911.
Nasa San Juan City police custodial facility ang suspek at nahaharap sa kasong acts of lasciviousness.
“This incident demonstrates the vital role of the 911 Emergency Hotline and the readiness of our police officers to respond to calls for help,” sabi ng heneral.

