Ports of entry bantay sarado ng BOC
Apr 22, 2026
Calendar
Iniharap ni PLt. Col. Rommel Anicete ang suspek sa ilegal na droga na natimbog ng mga operatiba ng MPD Baseco Police Station 13 sa T. M. Kalaw Street, Ermita, Manila.
Metro
Dahil sa droga, kelot nasiklot
Jon-jon Reyes
Jan 11, 2026
276
Views
ARESTADO ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) Baseco Police ang 21-anyos na lalaki dahil sa pangangalakal ng ilegal na droga sa T. M. Kalaw Street, Ermita, Manila, nitong Linggo.
Nakilala ang suspek na si alyas “Angelito” na kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete, hepe ng MPD Baseco Police Station 13, bandang alas-12:30 ng tanghali nang damputin ang binata sa pamumuno ni PLt. Apolonio Ellao.
Nahuli ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Thelma Bunyi-Medina ng Regional Trial Court Branch 32.
Puwedeng makalaya pansamantala ang suspek kung makapaglalagak ng P200,000 na piyansa.
2 bgy opisyal sinuspinde ng Manila City Council
Apr 22, 2026
6 arestado sa P8.9M ninakaw na petrolyo
Apr 21, 2026
2 nakitang patay sa condo: 1 ‘minartilyo’, 1 suspek
Apr 21, 2026
2 nagpa-gas sabay takas sa Payatas huli
Apr 21, 2026
Reklamo bumuhos sa sunog sa Navotas landfill
Apr 21, 2026

