Magsasaka, ‘nag-sideline’ sa droga, boga
Oct 30, 2026
Calendar
Metro
Dahil sa selos, barker kinadyot ng obrero
Melnie Ragasa Jimena
Aug 20, 2026
173
Views
SINAKSAK ng construction worker ang 40-anyos na barker ng jeep matapos umanong i-text ng biktima ang babaeng nililigawan ng suspek sa Barangay Commonwealth, Quezon City, noong Miyerkules.
Ayon sa Quezon City Police District, alas-8 ng gabi nang mangyari ang insidente habang nagtatawag ng mga pasahero ang biktima.
Ilang araw bago ang pananaksak, pinalayas umano ng suspek ang biktima sa kanilang tinutuluyang bahay dahil sa selos.
Nagtamo ng sugat sa kaliwang braso ang biktima at patuloy na nagpapagaling sa ospital.
Narekober ng mga awtoridad ang patalim na sinasabing ginamit sa pananaksak na itinanggi ng suspek na kagagawan niya.
Sasampahan ng kasong frustrated homicide ang suspek.
2 lalaki ninakawan security agency, huli
Oct 30, 2026
Binata siningil sa P100K na utang, 3 tao minartilyo
Oct 30, 2026
Waiter huli sa 3 bilang ng statutory rape
Oct 30, 2026
