Calendar
Nagbigay ng pahayag si Police Capt.Joel Aquino kaugnay sa kalagayan ng biktima. JONJON C. REYES
DALAGA SINALPOK, GUMULONG, PUMAILALIM SA TRUCK, BUHAY

KASALUKUYANG nagpapagaling sa Philippine General Hospital (PGH) ang babaeng biktima ng hit and run sa kahabaan ng Osmena Highway San Andres Bukid, Manila nitong Huwebes ng madaling araw.
Nakilala ang biktima na si alyas Ruby Ann, 28, dalaga, nakatira sa C. Tuazon Street, San Andres Bukid, Maynila.
Ayon sa report ni Police Capt. Joel Aquino, hepe ng MPD VITS ng District Traffic Enforcement Unit, bandang 2:20 a.m. nang mangyari ang aksidente.
Base sa salaysay ng driver ng jeepney na si Ronald Velasco Redito, 45, lalaki, nakatira sa Blk 321 Lot 21 Waterbird Street, Barangay Rizal, Taguig City, minamaneho niya ang sasakyan (TEF 523) sa may San Andres Street malapit sa kanto ng Osmeña Highway sa San Andres Bukid, nang maganap ang trahedya.
Ayon sa tsuper, hinahabol siya ng isang grupo ng mga hindi kilalang lalaki at babae, at hinagisan pa ang kanyang sasakyan ng bato.
Dahil sa takot para sa kanyang kaligtasan, tumakas ang drayber at tumawid sa Osmeña Highway kahit pula ang ilaw ng trapiko upang humingi ng agarang tulong sa San Andres Police Community Precinct (PCP).
Pagkatawid nito, isang babaeng pedestrian na kabilang sa grupong humahabol ang sumubok sumakay sa umaandar na jeepney.
Bago nakasampa ang biktima sa jeep ay nasakpok siya na isang wing van na bumabagtas sa northbound lane ng Osmeña Highway.
Hindi huminto ang drayber ng truck kung kaya’t ang insidente ay itinuturing na “hit-and-run.”
Sinugod ng rumespondeng ambulansya ang nabundol na dalaga sa PGH upang mabigyan ng agarang medikal na atensyon.

