Dating First Lady Imelda Marcos gustong sumama sa kampanya ni BBM

222 Views

GUSTO ni dating First Lady Imelda Marcos na sumama sa pangangampanya ng anak na si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Pero hindi umano pinapasama ang 92-anyos na ina dahil sa banta ng COVID-19.

“Gustong-gusto niya sanang sumama pero alam mo na baka may COVID pa, mag-ingat muna siya. Pero lahat ay pinapanood kaya lahat kayo nakikita ng mother ko,” sabi ng presidential aspirant sa campaign rally ng UniTeam sa Tacloban City.

Sinabi ng nakababatang Marcos na siguradong nanonood ang kanyang ina at masaya ito sa pagpapakita ng suporta ng kanyang mga kababayan sa kanyang presidential bid.

“I’m sure tuwang-tuwa yan na makita ang kanyang mga kababayan (I’m sure she’s very happy to see her fellow Leyteños),” sabi ni BBM.

Umabot sa 150,000 katao ang dumagsa sa rally sa Leyte Grandstand na inorganisa nina House Majority Leader at Lakas-Christian Muslim Democrats President Martin Romualdez, misis nitong si Tingog Party-list Rep. Yedda Marie Romualdez, at Tacloban City Mayor Alfred Romualdez.