Uy

Dating miyembro ng Gabinete ni PNoy kinuha ni PBBM

150 Views

MULING pinatunayan ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. na totoo ang sinabi nito na dapat isantabi ang politika pagkatapos ng halalan para sa bayan.

Kinuha ni Marcos si dating Commission on Information and Communication and Technology (CICT) chairman Atty. Ivan John Uy upang maging kalihim ng Department of Information and Communication Technology (DICT).

“The president-elect’s vision of a digitally empowered citizenry actively participating in the increasingly digital economy would greatly help address nagging issues on poverty, job creation, bridging the digital divide making us globally competitive,” sabi ni Uy.

Si Uy ay bahagi ng Gabinete ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

Siya ay kasalukuyang corporate secretary ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) at isang Humphrey fellow sa University of Minnesota.

Nakilala si Uy sa pagiging eksperto sa mga batas kaugnay ng information technology (IT) at madalas na ipinatatawag ng Senado at Kamara de Representantes bilang resource person.

Gagawa umano si Uy ng mga hakbang upang mapalakas ang digital infrastructure ng bansa na magbibigay daan sa pag-unlad ng digital economy, digital education at e-governance.