Calendar
Davao del Norte ‘di kontrolado’ ni Digong
M๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐ผ๐ ๐ฑ๐๐บ๐ฎ๐ด๐๐ฎ ๐ฎ๐ฑ๐ฌ,๐ฌ๐ฌ๐ฌ ๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ป๐๐ฒ ๐๐ฎ ๐๐ฃ๐ฆ๐ ๐๐ฎ ๐ง๐ฎ๐ด๐๐บ ๐๐ถ๐๐, ๐ฎ๐๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ธ๐ผ๐ป๐ด๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐๐๐ฎ
๐ง๐๐๐จ๐ ๐๐๐ง๐ฌ – ๐๐จ๐ ๐๐๐๐ง๐๐ช ๐ป๐ฎ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ ๐บ๐ฎ๐๐๐ฎ๐ฑ๐ผ๐ป๐ด ๐ธ๐ผ๐ป๐๐ฟ๐ผ๐น๐ฎ๐ฑ๐ผ ๐ป๐ถ ๐ฑ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐ฅ๐ผ๐ฑ๐ฟ๐ถ๐ด๐ผ ๐ฅ๐ผ๐ฎ ๐๐๐๐ฒ๐ฟ๐๐ฒ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐น๐๐ฎ๐ฟ๐๐ฒ ๐ผ ๐๐ฒ๐ฟ๐ถ๐๐ผ๐ฟ๐๐ผ – ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ผ ๐ฑ๐ฒ๐น ๐ก๐ผ๐ฟ๐๐ฒ – ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐ผ๐ ๐ฑ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ถ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐๐ฎ ๐ฎ๐ฑ๐ฌ,๐ฌ๐ฌ๐ฌ ๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ป๐๐ฒ ๐ป๐ด ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ถ๐ด๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐ฑ๐ถ๐ป๐ฎ๐ผ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ ๐๐ฎ๐ถ๐ฟ (๐๐ฃ๐ฆ๐) ๐๐ฎ ๐ง๐ฎ๐ด๐๐บ ๐๐ถ๐๐ ๐ธ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป.
Ito ang nakikitang obserbasyon ng ilang mambabatas bunsod ng pagdalo ng napakaraming mamamayan ng Davao del Norte sa BPSF para makatanggap ng tulong o financial aid partikular na para sa mga mahihirap na pamilya hindi lamang sa Tagum City kundi sa mga karatig lalawigan ng Davao del Norte.
Ipinaliwanag ng mga kongresista na maaaring hindi masyadong pinahahalagahan ng mga mamamayan ng Tagum City ang politika kaya ganoon na lamang karami ang mga dumalo sa BPSF. Lumalabas na mas pinapahalagahan nila ang kanilang kabuhayan sa halip na makisawsaw sa bangayan sa politika.
Nauna rito, hindi nagpatinag ang 167 miyembro ng Kamara de Representantes na buong suporta o “full force” na dumalo sa inilunsad na BPSF sa Tagum City, Davao del Norte sa kabila ng pagiging balwarte o teritoryo ni dating Pangulong Duterte ang nasabing lalawigan kung saan 50 kilometro lamang ang layo nito sa Davao City.
Magugunitang ipinahayag din ni Zambales 1st Dist. Cong. Doris “Nanay Bing” E. Maniquiz na kahit nakatuntong sila sa balwarte ng dating Pangulo ay “full support” pa rin silang mga kongresista para suportahan ang BPSF sa pangunguna ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez at pangunahing programa naman ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos,Jr. para maibsan ang karukhaan.
Ipinabatid naman ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco na dahil sa dami nilang mga kongresista na dumalo sa BPSF at presensiya ng 250,000 mamamayan ng Tagum City, Davao del Norte, buhay na buhay ang UNITEAM.
Pati ang mga mamamayan ng lalawigan ay nakikiisa sa mga programang isinusulong ng administrasyong Marcos,Jr.
Sa nasabing event, umabot sa 250,000 residente ng lalawigan ang nabiyayaan ng tulong sa pamamagitan ng P913 milyong halaga ng cash assistance at serbisyo mula sa iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan.