Phivolcs

DavOcc niyanig ng magnitude 5.3 lindol

265 Views

ISANG lindol na may lakas na magnitude 5.3 ang yumanig sa Davao Occidental Sabado ng hapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol alas-2:15 ng hapon.

Ang epicenter nito ay 84 kilometro sa silangan ng Jose Abad Santos. May lalim itong 101 kilometro.

Naitala ng PHIVOLCS ang mga sumusunod na Intensity:

Intensity III – General Santos City; Kiamba, Sarangani

Intensity I – Davao City

Instrumental Intensities:

Intensity II – General Santos City; Kidapawan City

Intensity I – Davao City