DBM

DBM pinag-aaralan taas-sahod ng gov’t workers

22 Views

PINAG-AARALAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang posibleng pagbibigay ng taas-sahod sa mga empleyado ng gobyerno.

Ayon sa DBM, inaasahang matatapos ng Compensation and Benefits Study ang pag-aaral bago matapos ang buwan.

“The results of the study will likewise serve as the basis for making necessary changes in the Total Compensation Framework of civilian government personnel to ensure fair and timely salary adjustment for government workers,” sabi ng DBM.

Bukod sa pag-aaral sa taas-sahod, pinag-iisipan din umano kung saan kukunin ang pondo para rito.

Matapos ang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Hulyo ay inaasahang isusumite ng DBM sa Kongreso ang panukalang budget para sa 2025.

Kung magkakaroon ng pagtaas ay posibleng isama rito ang kinakailangang budget.