Balikang’ KathNiel pinagpipistahan sa socmed
Feb 24, 2025
BI suportado kampanya vs POGOs
Feb 23, 2025
Calendar

Overseas Filipino Workers
Deployment ban sa Saudi Arabia aalisin na
Peoples Taliba Editor
Sep 14, 2022
240
Views
TARGET ng gobyerno na alisin na ang deployment ban sa Saudi Arabia sa Nobyembre.
Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople nagkaroon ng pag-uusap at nagkasundo na ang mga opisyal ng DMW at Saudi Minister of Human Resources and Social Development Ahmad Bin Sulaiman Al-Rajhi upang mapabuti ang kalagayan ng mga overseas Filipino workers (OFW).
Sa Nobyembre 7 umano maaaring alisin ang ban.
Napili umano ang naturang petsa upang makapaghanda ang DMW at makausap ang mga recruitment agency sa bansa at magkaroon ng koordinasyon sa Technical Education And Skills Development Authority (TESDA) para matiyak na mayroong angkop na pagsasanay ang mga ipadadalang OFW.