DFA

800,000 passport appointment slot binuksan ng DFA

29 Views

BINUKSAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nasa 800,000 passport appointment slot para sa mga nais na kumuha ng pasaporte.

Batid umano ng DFA na mayroong mga nahihirapan na kumuha ng appointment para makakuha ng pasaporte at gumagawa umano ang ahensya ng mga hakbang upang matugunan ito.

Ang mga available slot umano ay para ngayong buwan hanggang sa Oktobre.

Magpapakalat din umano ang DFA ng mga passport on wheels sa iba’t ibang lugar upang mas mapalapit ang kanilang serbisyo sa publiko.

Hanggang sa Disyembre na lamang din umano ang kontrata ng mga temporary passport site kaya umapela ang DFA sa Senado na mapondohan ang pagpapatuloy nito.

Ang bawat temporary passport site ay kayang magproseso ng 500 aplikasyon kada araw.

Sa ilalim ng inamyendahang Philippine Passport Act, ang validity ng pasaporte ay 10 taon para sa mga edad 18 pataas at limang taon para sa mga minor de edad.