Gadon

Disbarment hindi makakaapekto sa bagong trabaho ni Gadon

130 Views

HINDI umano makakaapekto sa bagong trabaho ni Larry Gadon bilang Presidential Adviser on Poverty Alleviation ang pag-disbar sa kanya ng Korte Suprema.

“The position and the task given to me by the President do not require lawyering hence my suspension and disbarment have no effect on my appointment,” ani Gadon sa isang pahayag.

Maghahain umano si Gadon ng motion for reconsideration sa Korte Suprema dahil masyadong mabigat ang ipinataw na parusa sa kanya.

“My remedy and reaction to this is to file a Motion For Reconsideration on the ground that the penalty is too harsh for the alleged cause which was my outburst against a reporter who was blatantly spreading lies against Pres BBM during the campaign period intended to fool the public and inflict damage to the candidacy of Pres Ferdinand Marcos Jr.,” sabi ni Gadon.

Itatrato umano ni Gadon ang desisyon bilang isang personal na bagay at ipagpapatuloy ang kanyang pangako kay Pangulong Marcos na tutulong sa administrasyon sa pagpapatupad ng mga programa nito partikular sa pagtulong sa mga mahihirap.

Sa botong 15-0 kinatigan ng Korte Suprema ang disbarment case laban kay Gadon.

“By a unanimous vote of 15-0, the Supreme Court En Banc resolved to disbar Atty. Lorenzo “Larry” Gadon for the viral video clip where he repeatedly cursed and uttered profane remarks against journalist Raissa Robles,” sabi ng SC sa isang pahayag.