DMW spokesman itinalagang bagong manager ng PTV

Chona Yu Jun 14, 2024
44 Views

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Department of Migrant Workers spokesman Antonio Nebrida Jr. bilang bagong acting general manager ng People’s Television Network.

Papalitan ni Nebrida si Ana Puod na itinalaga ni Pangulong Marcos noong Hunyo 2023.

Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang appointment paper ni Nebrida noong Hunyo 10.

Bukod sa pagiging acting general manager, magsisilbi rin si Nebrida na member representative ng private sector sa Board of Directors ng PTV.

Si Nebrida ay nagsilbing tagapagsalita ng DMW sa panunungkulan ng namayapang si Secretary Susan “Toots” Ople.