Posas

Motornapper nakorner sa Paco

Jon-jon Reyes Jun 15, 2024
68 Views

TIMBOG sa mga operatiba ng Manila Police District-Sta. Ana Police Station ang 29-anyos na binata dahil sa pagtangay ng motorsiklo sa Paco, Manila noong Biyernes.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Dionelle Brannon, station commander ng Sta. Ana police station 6, bandang alas-10:50 ng umaga tinangay ng suspek na si alyas Jester ang motorsiklo habang naka park.

Nalaman na tinangay ang motor matapos magsumbong ang biktima na si alyas Mark Jhay, 38.

Ayon sa biktima, naiwan niya ang susi ng kanyang motorsiklo at nang magbalik nawalang parang bula ang kanyang sasakyan.

Nahaharap ang binata sa kasong paglabag sa Republic Act 10883 o New Anti-Carnapping Law.