Dongyan

DongYan nag-attend sa 1st Holy Communion ni Zia

Vinia Vivar May 13, 2024
47 Views

Proud parents ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa latest ganap ng panganay nilang si Zia.

Tumanggap na kasi ng kanyang first Holy Communion si Ate Z at syempre, present ang mag-asawa para saksihan ang milestone na ito ng eldest child.

Ibinahagi ng DongYan ang mga larawan ni Zia na super pretty sa suot niyang white dress.

“Before we left the house today, she said, ‘Dada, Mama, I’m excited to receive Jesus Christ,’” caption ni Dong sa IG.

Makikita rin ang larawan ng mag-asawa na masaya at sweet na sweet sa simbahan,

Nagpaabot naman ng pagbati ang netizens kay Zia at ang iba naman ay pinuri ang mag-asawa for being a hands-on parents.

Maja kay Kim Soo Hyun: I-move ang PH tour!

Ipinapa-move ni Maja Salvador ang Philippine tour ng South Korean superstar na si Kim Soo Hyun sa June 29 dahil hindi siya makakapanood.

Darating sa ‘Pinas ang sikat na Korean actor na nagbida sa hit Korean drama na Queen of Tears para sa kanyang first Asian tour in 10 years.

Nirepost ni Maja sa X (dating Twitter) ang poster ng concert ni Kim Soo Hyun.

“Huhuhu bakit naman June 29? wala pa ako sa pinas. pa move please,” sey ng aktres.

Aliw na aliw naman ang fans sa request ni Maja.

“Hahaha adjust na Kim Soo-Hyun lol,” sey ng isang follower.

“Akin nlng po yung pambili nyo po ng ticket ako nlng po ang manonood,” komento naman ng isa pang netizen.