Ogie diaz

Ogie pinagtanggol si Billy sa sobrang pangangayayat

Vinia Vivar May 13, 2024
37 Views

Ipinagtanggol ni Ogie Diaz si Billy Crawford sa mga akusasyon na nagdodroga ito o may sakit kaya sobrang pumayat.

Recently ay nag-viral ang mga larawan ni Billy na payat na payat kaya naalarma ang netizens at nagtanong kung may sakit ba ang TV host/dancer/singer.

Ang iba naman ay naghinalang baka gumagamit ng ipinagbabawal na gamot si Billy.

Sa latest vlog ni Ogie, sinabi niya na nakatsikahan niya sa text si Billy tungkol sa isyung ito.

“Sinabi ni Billy na siya ay very healthy at talagang mine-maintain lang niya ang kanyang kapayatan, ‘yung kanyang kalusugan,” ani Ogie.

Ang timbang daw ngayon ng mister ni Coleen Garcia ay 158 lbs.

Sey pa ni Ogie, tama lang na alagaan ni Billy ang kalusugan dahil hindi na rin ito bumabata.

“Marami nga ang naiinggit kay Billy, kasi pumayat siya. Sanay lang tayo na nakikita dati si Billy na medyo chubby ang mukha. O ngayong pumayat, paghihinalaan nila si Billy na ‘drug user ba si Billy?’ Diyos ko, hindi po,” ani Ogie.

Samantala, maging si Billy ay nagbigay din ng pahayag sa kanyang Instagram Story para sa mga taong naaalarma sa kanyang pagpayat.

Nag-post ang singer-dancer ng larawan niya at aniya, “Me after getting over jet lag! Kalma Madlang People.”