Ivana

Ivana kumita ng P10M sa live selling, inggit much ibang live sellers

Vinia Vivar May 13, 2024
63 Views

Inggit much ang ibang live sellers kay Ivana Alawi na kumita ng mahigit P10 million sa isang live selling.

“Nag-live (selling) ako from 6pm, natapos ako, 12am. ‘Yun ‘yung kumita ng eight digits,” pagmamalaki ni Ivana sa panayam ng News5 Everywhere.

At dahil dito ay pinarangalan nga siyang TikTok Shop Celebrity of the Year na deserved na deserved naman niya talaga.

Ayon pa kay Ivana, kahit kumikita siya sa pagiging artista at content creator, kailangan pa rin ng back-up plans.

“Iba ‘yung business, iba ‘yung pag-aartista. Iba siya. So, you know, ‘pag naging artista ka, parang mag-iisip ka na na ‘ay kailangan ko ng back-up.’ So, having a business is really important,” aniya.

Pinuri naman ng netizens si Ivana at sey nila, kaya inuulan ng blessings ang dalaga ay dahil marunong itong mag-share ng mga biyayang natatanggap sa pamamagitan ng pamimigay ng iba’t ibang tulong sa kapwa.