Calendar
DPWH, MMDA inabisuhan ni Yorme na sumunod sa Drainage Master Plan sa ikakasang proyekto sa Maynila
HINDI na pahihintulutan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mga paghuhukay, pagbubutas, at iba pang proyektong pang-imprastraktura sa mga lansangan maliban na lang kung susunod sila sa drainage master plan ng lungsod.
Inilabas ni Yorme Isko ang direktiba sa ginanap na pakikipagpulong Huwebes ng umaga sa mga kinatawan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), matapos na muli niyang sinuri ang napakatagal na pagkakabimbin ng drainage blueprint.
Noon pang 2021 sa unang termino ng alkalde inilatag ang drainage master plan ng lungsod na ngayon lamang nakumpleto sa kanyang pagbabalik sa City Hall na kaagad din niyang ipatutupad.
Sa naganap naman na inter-agency meeting na dinaluhan ng mga opisyal mula sa the DPWH, MMDA, Maynilad, Manila Water, City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), Department of Engineering and Public Works (DEPW), binatikos ni Yorme Isko ang nangyayaring mga pagbaha sa mga pangunahing lansangan sa Maynila dahil sa hindi maayos na pagpapatupad ng proyekto na nakaapekto sa kanilang drainage system.
“We will not approve your permits kapag hindi aligned sa City Drainage Master Plan namin. May mga contractor kayo na tamad, pati manhole, na-aspalto,” sabi ni Yorme Isko.
Binanggit ng alkalde na maraming lugar noon ang hindi naman binabaha kahit may malakas na bagyo. . “Thirty years na ako sa gobyernong ito, kahit may bagyo noong araw, hindi nagbabaha ang kanto ng Kalaw at Taft Avenue. Wala talaga,” sabi ni Yorme Isko.
Nilinaw naman ng alkalde sa mga kinatawan ng ahensiya ng gobyerno na wala siyang sinisisi sa nangyayaring pagbaha ngayon sa Maynila undi isa itong panawagan para sa agarang aksiyon upang hindi na maulit pa ang nakaraang insidente ng pagkakamali.
Binigyang diin niya na ang bagong drainage strategy ng lungsod ay nakabatay sa ebideniya.. “’Yung inirereklamo ko, visual. This is now the science,” sabi pa niya kaugnay sa City Drainage Master Plan.
Pinaalalahanan din ng alkalde ang mga opisyal ng DPWH at MMDA na lagi siyang nakasubaybay at hinimok na rin niya ang kanyang mga kababayan na maglabas ng kanilang alalahanin sa isyu ng gawaing pang-imprastraktura. “I always encourage the people under my watch to complain, suggest, and inform,” dagdag pa ng alkalde.

