Padilla

Dra. Padilla sa Araw ng Kababaihan: Ihubog mga anak sa tamang politika

503 Views

KAUGNAY ng pagdiriwang ng Women’s Month, nanawagan si Partido Reporma senatorial candidate Dra. Minguita Padilla sa mga magulang na palakihin ang kanilang mga anak na babae sa paraang madarama nila na kaya nilang makamit ang anumang minimithi.

“Never discourage or belittle them. Allow them to dream big. So that your little girls can grow up to be healing, inspiring, ‘colorblind’ leaders, who put (the) country before politics,” bahagi ng mensahe na ipinadala ni Dra. Padilla ngayong International Women’s Day (Marso 8).

Si Dra. Padilla ay batikang ophthalmologist at public health advocate na tumatakbong senador sa ilalim ni Partido Reporma standard-bearer Ping Lacson at kanyang running mate na si Senate President Tito Sotto.

Patunay sa pagiging lider ni Dra. Padilla ang mga naging kontribusyon niya sa medisina, kabilang na ang pagtatatag ng Eye Bank Foundation of the Philippines, Inc. Aniya, kung magtatagumpay siya sa kanyang kandidatura, ay maisusulong niya pa sa Senado ang mga reporma para sa kalusugan sa ilalim ng Lacson-Sotto administration.

“I know that the Lacson-Sotto administration will empower women and give them the respect they deserve as partners in nation building,” sabi ni Dra. Padilla. “Women bring a unique perspective that men can ignore at their own peril,” dagdag pa niya.

Sa kanyang mga nakalipas na pahayag sa publiko, sinabi ni Lacson na magiging kakampi siya hindi lamang ng mga kababaihan ngunit maging ng mga miyembro ng LGBTQ+ community. Aniya, sa kanyang pamumuno ay maaasahan umano ang patas na oportunidad sa lahat ng kasarian na kwalipikado para sa posisyon sa gobyerno.

Nangako ang presidential candidate ng Partido Reporma na isusulong niya ang pagkakapantay-pantay ng kasarian sa kanyang Gabinete, dahil marami aniya sa mga kababaihan ang naging matagumpay bilang mga lider katulad nina dating German Chancellor Angela Merkel at kasalukuyang New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern.