Drone ng PAF bumagsak

Jun I Legaspi May 30, 2022
245 Views

ISANG drone ng Philippine Air Force (PAF) ang bumagsak habang nagsasagawa ng functional check flight sa Cagayan de Oro noong Sabado.

Ayon sa PAF bumagsak ang Hermes 900, isang unmanned aerial vehicle (UAV), matapos na mawalan ng contact sa kumokontrol dito.

Lumipad umano ang UAV 9:30 a.m. sa Lumbia Airport, Cagayan de Oro City.

Matapos ang test ay sinimulan na umano itong pababain. Alas-11:46 ng umaga ng maputol ang komunikasyon sa UAV. Walang napaulat na nasaktan sa pagbagsak nito.

Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon upang matukoy ang naging problema.