Calendar
Drug suspek timbog sa P1.4M shabu
MAHIGIT P1.4 milyong halaga ng shabu at marijuana ang nasamsam sa isang drug suspek sa ikinasang buy-bust noong Biyernes sa Parañaque City.
Umabot sa 210 gramo ng shabu na nagkakahalagang P1,428,000 at 30 gramo ng kush, na katumbas ng P45,000, ang nakumpiska ng mga tauhan ni Southern Police District director PBGen. Glenn Oliver Cinco kay alyas “Michael.”
Ayon kay Parañaque police chief PCol. Nicolas Pinon, isinagawa ang buy-bust dakong alas-3:25 ng madaling araw sa parking lot sa Doña Soledad, Barangay Don Bosco, matapos makipagtransaksyon ang suspek sa isang operatiba ng Station Drug Enforcement Unit.
Nasamsam din ng mga pulis kay alyas “Michael” ang isang bungkos ng boodle money na may genuine bill sa ibabaw na ginamit sa operasyon, pati na rin ang cellular phone na gamit sa ilegal na transaksyon.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002, ang suspek sa Parañaque City Prosecutor’s Office.

