Calendar
New Zealander arestado dahil sa droga
TIMBOG ang 32-anyos na New Zealand national dahil sa pag-iingat ng ilegal na droga noong Huwebes sa Makati City.
Inilunsad ng mga tauhan ni Southern Police District director P/BGen. Glenn Oliver Cinco ang pagtugis kay alyas “Dylan” ng Barangay Olympia, Makati, matapos lumabas ang warrant of arrest laban sa kanya.
Naaresto ang dayuhan dakong alas-7:40 ng gabi sa Brgy. Carmona, makaraang hindi na siya mahagilap sa dating address.
Ayon kay Makati police chief P/Col. Pedro Alagano Jr., walang piyansang inirekomenda si Makati Regional Trial Court Presiding Judge Gina M. Bibat-Palamos ng Branch 64 para sa dayuhan dahil sa bigat ng kanyang kinakaharap na kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
Nakapiit sa custodial facility ng Makati Police Station ang dayuhan.

