Calendar
DSWD AYUDA IPINAMAHAGI SA MGA APEKTADO NG BAHA SA PASAY CITY
NAGHATID ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang naapektuhan ng mga nagdaang pag-ulan at pagbaha sa Pasay City, kabilang ang mga miyembro ng Triskelion.
Namahagi ang DSWD ng mga Family Food Packs upang makatulong sa mga pamilyang nangangailangan ng pagkain at pangunahing pangangailangan matapos ang epekto ng matinding pag-ulan at pagbaha.
Naging daan upang mailapit ang ayuda sa mga residente ang inisyatiba ni House Deputy Majority Leader at TGP Partylist Rep. Bong Joson Teves Jr. na tumulong sa pag-facilitate ng DSWD assistance para sa mga apektadong pamilya sa komunidad.
Sinuportahan naman ang distribusyon ng Pasay City Council Chairman Argon Terrado at ng Pasay City Triskelion Council na nakiisa sa paghahatid ng tulong sa mga pamilyang nangangailangan.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan, lokal na pamahalaan at mga organisasyon sa komunidad, mas napalapit ang ayuda sa mga residenteng nangangailangan ng suporta sa panahon ng pagsubok.
Ipinakita ng naturang relief operation ang kahalagahan ng koordinasyon at sama-samang pagkilos upang mabilis na maihatid ang tulong sa mga pamilyang higit na nangangailangan nito, lalo na sa panahon ng kalamidad.

