Calendar
Emergency Room ng Ospital ng Sampaloc aayusin, sarado muna
NAGLABAS ng abiso ang Lokal na Pamahalaan ng Lungod ng Maynila sa pansamantalang pagsasara ng Emergency Room ng Ospital ng Sampaloc upang mapasimuan na ang pagsasaasyos nito.
Ayon kay Mayor Isko Moreno Domagso, unang hakbang ito sa pagtupad niya sa kanyang pangako na aayusin ang Emergency Room ng naturang pagamutan matapos niya itong personal na bisitahin noong bago magtapos ang buwan ng Hulyo.
Gayunman, mananatiling bukas ang Out-Patient Department ng naturang pagamutan upang magkaloob na serbisyong pangkalusugan sa limitadong kapasidad.
Ayon sa alkalde, kailangan nilang isara ang emergency room upang mas mapabuti, mas maging maaliwalas, at higit sa lahat, maging mas ligtas ang bawa’t Manileno na magtutungo rito.
Maaari namang magtungo muna ang mga pasyenteng kinakailangan ng agarang atensiyong medikal sa Justice Jose Abad Santos General Hospital sa Binondo na kabilang sa anim na pampublikong pagamutan sa Maynila na pinangangasiwaan ng lokal na pamahalaan.
