Rider sumalpok, buking na nagnenok ng motor

289 Views

BUKING na ninenok lang ng rider ang dala niyang Honda Click 125 nang bumangga sa nakasalubong na motorsiklo sa Quezon City noong Biyernes.

Sa ulat kay P/Col. Randy Glenn Silvio, acting director ng Quezon City Police District (QCPD), nadakip si alyas Eladio, 37, na bumangga sa rider ng Yamaha Mio Gear dakong alas-8:30 ng gabi sa Republic Avenue malapit sa Juan Ortega St., Brgy. Holy Spirit.

Isinugod sa Rosario Maclang Bautista General Hospital ang Yamaha driver at ang kanyang pasahero para magamot.

Nadiskubre ng mga awtoridad na ninakaw sa may-ari ng suspek ang Honda Click sa isang Mr. Apanay.

Bukod sa Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property and Physical Injury, kakasuhan din ang suspek ng paglabag sa RA 10883 (New Anti- Carnapping Law) laban sa suspek.

Itinanggi ng suspek na ninakaw niya ang motorsiklo dahil isinanla daw sa kanya ito ng P35,000.