Binata napunta sa selda dahil may dalang marijuana
Oct 31, 2026
PRO 10 nilusob lihim na POGO hub sa Iligan
Oct 31, 2026
Lalaki, 60, nasukol sa nabigong pagtsugi
Oct 31, 2026
Calendar
Travel & Leisure
Entry, exit points sa MRT-3 Shaw station pansamantalang isasara
Jun I Legaspi
Mar 21, 2022
812
Views
PANSAMANTALANG isasara ang exit at entry point sa isang bahagi ng Shaw Boulevard station ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3).
Sa advisory na inilabas ng MRT-3, sarado mula Marso 21 hanggang 22 ang entry at exit points sa Building A ng Shaw Boulevard station para sa improvement activity sa lugar.
Ang maaapektuhan umano ay ang daan papunta at galing sa EDSA Shangri-La at Starmall.
Maaari umanong gamitin ang entry at exit points sa Building B na nasa tabi ng Greenfield Pavilion at Parklea Center.

