Duterte

EO nilagdaan ni PRRD para magamit national ID sa mga transaksyon

219 Views

NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang Executive Order upang tanggapin ang Philippine Identification System (PhilSys) bilang katibayan ng pagkakakilanlan at edad ng isang indibidwal sa pakikipagtransaksyon nito sa gobyerno man o pribadong sektor.

Layunin ng EO na mapaganda ang pagbibigay ng social services mg gobyerno sa publiko at mapabilis ang pakikipagtransaksyon ng publiko sa mga pribadong kompanya at mga sangay ng pamahalaan.

Ang PhilSys na makukuha ng libre sa Philippine Statistics Authority (PSA) ay kikilalanin din bilang opisyal na government-issued identification document at official proof of identity ng cardholder.