Calendar
Ang bangkay ng biktima na nakitang nakahandusay matapos mahulog sa condominium. JONJON C. REYES
Estudyanteng bebot dedo agad matapos mahulog sa condo

DEAD on the spot ang isang 20-anyos na babaeng estudyante matapos mahulog umano sa condominium sa Sampaloc, Mayninla, Biyernes ng umaga.
Nakilala ang bikima na si alyas Alexa, 20, walang asawa,t ubong Atimonan, Quezon, at nakatira sa nasabing condominium.
Ayon kay PLt, Christopher P. Nogoy at Pat. Mark Lawrence Pastor, ng Gulod PCP, bandang 7:00 ng umaga nang nakatanggap sila ng tawag tungkol sa insidente.
Agad kinordon ang lugar kung saan natagpuang nakahandusay ang biktima ng mga tauhan ng Gulod PCP sa pamumuno ni PLt. Nogoy.
Batay sa paunang impormasyon mula sa kasama ng biktima sa bahay, bandang 11:00 ng gabi noong Agosto 13, 2026 ay nakipag-inuman ang umano’y biktima at ang kanyang mga kaibigan sa kanyang condominium unit.
Bandang alas-5:00 ng umaga nitong Biyernes ay nakita pa umanong natutulog ang biktima ng kanyang mga kaibigan.
Ayon sa saksi na si alyas Precious, bandang alas-6:56 ng umaga ng nasabing araw ay gumising siya at nakita niya ang biktima na nakabitin umano sa balkonahe.
Makalipas ang isang saglit ay nahulog ang biktima.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng MPD Homicide Section, ayon kay PMSg Archie Victorino, na siyang may hawak ng kaso.
