Arestado

Ex-brgy opisyal nagpapaputok ng boga, tiklo

121 Views

KAMPO HENERAL MALVAR, Batangas–Arestado noong Biyernes ang dating opisyal ng barangay dahil sa pagpapaputok ng baril sa Brgy. Gonzales, Tanauan City, Batangas.

Ang suspek na kinilala ni Batangas police director P/Col. Geovanny Sibalo na si alyas Peter, 74 nagpaputok ng baril bandang alas-5:25 ng hapon.

Sumugod ang SWAT team ng Tanauan police sa iniulat na lugar upang beripikahin ang insidente at naaresto ang suspek.

Base sa imbestigasyon, um-attend sa birthday party ang suspek.

Habang nagpapatuloy ang kasayahan, biglang nagpaputok ng baril ang suspek kaya natakot ang mga tao.

Narekober mula sa suspek ang isang cal .45 na baril, dalawang bala, basyo ng bala para sa caliber .45 na baril at License to Own and Possess Firearms (LTOPF) ID.

“Sineseryoso namin ang lahat ng ulat ng ilegal na pagpapaputok ng baril at kikilos upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga komunidad,” sabi ni P/Col. Sibalo.