Calendar

Express, Altas umarangkada sa Cam Sur Cup
PILI, Camarines Sur — Bagamat dumaan sa butas ng karayom, naitala ng host CamSur Express at University of Perpetual Help System Dalta ang kanilang ika-dalawang sunod na panalo sa Cam Sur Cup invitational basketball championship sa Fuerte Sports Complex.
Pinigil ng Express ang pagtatangka ng NAASCU champion St. Clare College of Caloocan, 85-81, habang binigo ng Altas ang Kuala Lumpur Hornbills, 82-69, para mapanatili ang liderato sa week-long competition na itinataguyod ng Armstrong Philippines.
Lumamang ang Gov. Luigi Villafuerte- owned Express ng double digit sa malaking bahagi ng laro, kabilang na ang 19-point halftime advantage, 58-39.
Subalit hindi nasiraan ng loob ang Saints ni coach Jino Manansala at bumawi mula 62-73 upang itabla ang iskor, 73-all, tungo sa huling apat na minuto ng sagupaan.
Gayunman, tinuldukan ng Express ang laro sa tulong ng isang 8-4 run.
Nanguna para sa CamSur si Jerome Almario, na may 17 points, four rebounds, at three assists.
Nakatuwang niya sina Rufino Sablaon III, na may 14 points, three rebounds, at three assists; Kyle Philip Domagtoy, na may 11 points; at Verman Magpantay, na may 10 points.
Si Lex Gazzingan ang naging top player para sa Caloocan-based Saints matapos ang kanyang 26 points, kabilang ang 5-of-10 shooting mula three-point territory.
Nagpasikat din sina Janjan Salazar (10 points, five assists), Leenard Desabelle (eight points); at Joco Bojorcelo at Mark Angelo Ibanez (seven points).
Samantala, nagsanib pwersa sina John Abis, Kenji Duremdes at Jearico Nunez upang umiskor ng 40 points para kay Altas coach Olsen Racela.
Nagtala si Abis ng 15 points, four assists at three rebounds, habang si Duremdes ay may 13 points at si Nunez ay may 12 points.
Si Duremdes, anak ni PBA legend Kenneth Duremdes, ay may five rebounds din.
Ang mga iskor:
First game
Perpetual Help (82) — Abis 15, Duremdes 13, Nunez 12, Sleat 9, Alcantara 6, Casinillo 6, Gelsano 6, Manuel 5, Boral 5, Guibao 3, Pizaro 2, Maglupay 0, Tulabut 0
KL Hornbills (69) — Singh 28, Y. Wei, 12, Kian 8, Kang 7, Thung 4, Hong 4, T. Wei 2, Ding 1, An 1
Quarterscores: 26-17, 44-40, 64-56, 82-69
Second game
CamSur (85) — Almario 17, Sablaon III 14, Domagtoy 11, Magpantay 10, E. Mallapre 7, Acabado 6, Masinas 5, Rito 4, Lim 4, Borbe 3, Redondo 3, V. Mallapre 1.
St. Clare College (81) — Gazzingan 26, Salazar 10, Desabelle 8, Bojorcelo 7, Ibanez 7, Escobido 6, Simbulan 6, Loyola 4, Talavera 3, Bautista 2, Manzano 2, Lim 0, Magno 0
Quarterscores: 35-21, 58-39, 73-62, 85-81.