Calendar
Si First Lady Liza Araneta-Marcos kasama sina Cory Vidanes at Carlo Katigbak ng ABS-CBN, Atty. Annette Gozon-Valdes ng GMA Network at Joy Marcelo ng Sparkle GMA Artist Center.
First Lady Liza Marcos nakipagkita sa showbiz bigwigs para sa exciting project
ANG daming nagulat but at the same time ay natuwa’t na-excite sa balitang ibinahagi ng Sparkle GMA Artist Center sa kanilang Instagram page.
Makikita sa post ang larawan na kasama ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang mga executives ng Kapamilya at Kapuso na sina GMA Senior Vice President Annette Gozon-Valdes, Sparkle First Vice President at Head Joy Marcelo, at ABS-CBN President at CEO Carlo Katigbak at COO Cory Vidanes.
Ayon sa caption, nagkaroon ng meeting ang mga nasabing executives ng dalawang giant companies kay First Lady Liza Marcos at mukhang may nilulutong isang napakalaking proyekto.
“Something big is brewing in the Philippine entertainment scene.”
“GMA Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes, Sparkle First Vice President & Head Ms. Joy Marcelo, ABS-CBN President & CEO Mr. Carlo Katigbak, and ABS-CBN COO Ms. Cory Vidanes met with First Lady Liza Araneta-Marcos for an exciting project,” ang nakasaad sa caption.
Bagama’t wala pang detalyeng binabanggit tungkol sa big project na gagawin ay marami na agad ang na-excite sa isang napakalaking collaboration na nakatakdang maganap.
Sa comment section ay nagpahayag na ng mga positibong reaksyon ang netizens at ngayon pa lang ay inaabangan na nila ang ambitious project. May mga request na rin sila kung sino ang artistang gusto nila para sa proyekto.
Ilang beses na ring nagkaroon ng collaboration ang GMA-7 at ABS-CBN at ang pinaka-latest nga ay ang katatapos lamang na “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition”.
But this time, with the First Lady, curious ang lahat na malaman kung ano kaya ito.

