Francine Larawan mula sa IG/@jamierivera8295

Francine Diaz, Jamie Rivera nag-collab para sa kanta

110 Views

MASAYA ang “Inspirational Diva” at beteranang OPM singer na si Jamie Rivera na nagkaroon sila ng collaboration ng aktres na si Francine Diaz.

Sa Instagram page ni Jamie, nauna niyang kinumpirma na nakatrabaho niya si Francine para sa isang bagong kanta. Ibinahagi ng OPM singer ang larawan nilang magkasama kung saan makikitang nagre-record ang dalawa.

“So happy to have worked with @francinesdiaz for our new song coming soon under #inspirelabel,” pahayag ni Jamie sa caption ng kanyang post.

Kinumpirma rin ni Francine sa kanyang Instagram stories nitong Lunes, Oktubre 9 ang nasabing proyekto kasama si Jamie.

“Excited!!!” sey ni Francine sa IG story.

Hindi lang ang aktres ang excited sa collaboration na ito ng dalawa, maging ang netizens ay iponahayag din ang kanilang pagkatuwa sa new project ni Francine at Jamie.

“I love your songs Miss Jamie tapos Francine pa.”

“Nakaka excite naman… thank you po for Francine.”

“We’re excited. Our GOLDEN GIRL CHINNY.”