Ryza Mga larawan mula sa IG/ @imryzacenon at @mikkamarcaida

Ryza Cenon kay LJ Reyes: ‘Stay happy, in love’

195 Views

MAY matamis at maikling mensahe ang aktres na si Ryza Cenon para sa kanyang kaibigan at kapwa celebrity na si LJ Reyes na kamakailan lamang ay nagpatali sa kanyang non-showbiz partner na si Philip Evangelista.

Matatandaan nitong Linggo, Oktubre 8 ay nag-viral sa social media ang mga larawan at videos ng intimate wedding ni LJ na ginanap sa Eatons Neck sa New York.

Matapos ang balitang ito ay isa sa mga kapwa celebrities na bumati kay LJ sa espesyal niyang kasal ay ang kaibigan niyang si Ryza. Ni-repost pa nga ng aktres ang bridal shot ni LJ.

Ayon kay Ryza, masaya raw siyang makita na ikinasal anv kanyang kaibigan. Nagbigay pagbati rin siya sa aktres at sinabi ring manatiling masaya at nagmamahalan.

“So beautiful bride! Super happy na makita kang naglalakad sa aisle… I love you. Congratulations sa inyo ni Phil. Stay happy and in love,” sey ni Ryza sa caption ng IG story.