Samantha Larawan: Samantha Bernardo/IG

Samantha Bernardo pinataob ang basher

121 Views

HINDI na nakapagpigil pa na patulan ng beauty queen na si Samantha Bernardo ang isang basher na umokray sa kanya.

Sey kasi ng basher, si Samantha umano ang “Dakilang 1st Runner Up” ng Pinas.

Dito na nanlaban si Sam at agad niyang sinermunan ang basher.

Aniya, “Yes that’s me, tanggap ko naman na dakilang first runner-up ako. Honestly before pagnaririnig ko ‘to, medyo affected pa ako eh. Kasi syempre na-realize ko, ‘yong mga experiences ko, lahat ng sacrifices ko, para lang masabi ng iba na, “runner up ka lang? ang sad naman.”

Dagdag pa ni Sam, proud umano siya sa lahat ng achievements niya sa buhay, lalong-lalo na sa mga taong nasa likod ng kanyang pageant journey.

“Na-realize ko na hindi lang about doon sa mga na-achieve ko o mga kulang sa akin. But rather, doon sa mga taong tumulong din sa akin. Yung naging journey mas worth it, because of them,” saad ng beauty queen.

Hinangaan naman ng netizens ang mga sinabi ni Sam sa kanyang TikTok video. Bilib pa sila sa beauty queen dahil down-to-earth itong magsalita kahit na malayo na ang narating nito sa buhay kumpara sa basher.