Richard Larawan: Richard Gutierrez/IG

Richard kay Sarah Lahbati: ‘Happy Birthday my love’

265 Views

BINATI ng aktor na si Richard Gutierrez ang kanyang asawang si Sarah Lahbati na nagdiwang ng kanyang kaarawan nitong Oktubre 9 .

“My love, my bestfriend, my wife. 11 years together and my love and loyalty for you remains steadfast,” caption ng aktor sa kanyang Instagram post kalakip ang sweet na larawan ng kanyang pamilya.

Dagdag pa ng aktor na grateful umano siya na biniyayaan siya ng napakagandang asawa at mga anak.

“I want to express my deepest gratitude for everything that you do for our family, and the boundless nurturing love that you give Zion and Kai. May God bless this day with laughter, happiness and a renewed sense of love and strength. Happy Birthday my love,” saad ng aktor.

Kinakiligan naman ng netizens ang naging pagbati ng aktor sa kanyang asawa. Ilang mga showbiz friends din ni Richard ang nagpaabot ng pagbati sa model-actress.