Alden Larawan mula sa IG/@aldenrichards02

Alden ‘true’ ang feelings kay Maine

126 Views

BUONG-TAPANG na sinagot ng singer-actor na si Alden Richards kung totoo nga bang nahulog ang loob niya sa aktres at “E.A.T.” host na si Maine Mendoza.

Sa episode nitong Lunes, Oktubre 8 ng GMA talk show na “Fast Talk with Boy Abunda” kasama ang King of Talk na si Boy Abunda, diretsahang tinanong ang aktor kung na-fall ba siya kay Maine nang mapag-usapan nila ang breakup ng kanilang love team na “AlDub.”

“Did you fall for Maine Mendoza?” tanong ni Tito Boy kay Alden.

Matapos marinig ang tanong ay napangiti muna ang aktor bago magbigay ng sagot.

“Yes, Tito Boy. Yes po,” sagot ng “Five Break-Ups and a Romance” star.

“Hypocrite po ako kung hindi and yes po, ayoko pong sabihing alam niya, pero I did, I did confess,” sey pa ni Alden.

Samantala, hindi na pinagpatuloy pa ni Tito Boy ang topic bilang respeto na rin kay Maine na kamakailan lamang ay nagpakasal sa actor-politician na si Arjo Atayde.