Ben Paolo Benjamin Guico at Maria Rachel Arcilla

Fur baby nina Paolo, Rachel naka-tuxedo sa wedding picture nila

Eugene Asis Jan 16, 2026
277 Views
Ben1
Ang newlyweds kasama ang mga kagrupo

MATAPOS nilang pakiligin ang kanilang fans sa isang pre-nuptial video na kinunan sa Japan, ikinasal na sina Paolo Benjamin Guico ng grupong Ben&Ben at longtime girlfriend nitong si Maria Rachel Arcilla nitong Huwebes, January 15.

Ipinost ito ng Mayad Studios, kasama ang ilang wedding photos ng dalawa sa Instagram.

“Starting with a classic beginning and ending where it all makes sense. Paolo Benjamin Guico and Rachel Guico’s love comes full circle.”

Buong ngiti at elegante sina Paolo (sa kanyang puting tuxedo), at si Rachel sa kanyang simpleng wedding gown.

Agaw-eksena naman ang kanilang fur baby na naka-mini tuxedo rin habang kasama ang newlyweds sa larawan.

Nagbahagi rin si Paolo sa kanyang IG Stories ng litrato nila ni Rachel kasama si Fr. Tito Caluag.

“Biggest day of our lives. 1.15.26,” ayon sa caption. Congrats.