Collab ng BPPO, 7SAB pinalakas
Jul 10, 2026
Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Calendar
Provincial
Gardener huli sa pag-garden ng droga, boga
Jojo Cesar Magsombol
Oct 17, 2025
363
Views
KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR–Nasakote noong Huwebes ang hardinero na may pag-iingat na baril at droga sa Brgy. Sampaloc, Talisay, Batangas,
Ayon kay Batangas police director P/Col. Geovanny Sibalo, narekober kay alyas Arabo ang isang Colt .45 caliber pistol, isang magazine anim na bala at 10 gramo ng shabu na may tinatayang halaga na P68,000.
Dinala ang suspek sa Talisay police para sa tamang dokumentasyon at pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act o RA 10591 at RA 9165.
Nanatili kaming matatag sa aming pangako na puksain ang mga iligal na armas at mapanganib na droga mula sa aming mga komunidad,” sabi ng Batangas police director.
Collab ng BPPO, 7SAB pinalakas
Jul 10, 2026
Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Landslide sa Sarangani, 10 nasawi
Jul 10, 2026

