Daniel Kaila Estrada at Daniel Padilla

Gelli kung boto kay Daniel: Ayokong ma-involve

Eugene Asis Jan 24, 2026
271 Views
Gelli
Gelli de Belen

KAHIT bilang auntie or tita, hindi nakaligtas si Gelli de Belen sa mga tanong tungkol sa relasyon ng kanyang pamangkin na si Kaila Estrada (anak ng kapatid na si Janice de Belen) at aktor na si Daniel Padilla.

Hindi naman talaga nagsasalita sina Kaila at Daniel kung ano ang totoo sa mga tsismis sa kanilang dalawa. Ito ay kahit na madalas silang makitang magkasama at hindi basta bilang magkaibigan lang ang kanilang ikinikilos.

Kaya naman pati ang mga taong malalapit sa sinuman sa kanila ay nadadawit at natatanong kapag may pagkakataon.

So ano ang masasabi ni Gelli sa relasyong Kaila at Daniel?

“Sa akin kung saan masaya ang mga batang ito, doon sila. Kung ano ang ikaliligaya nila, doon sila,” sagot ni Gelli.

Pero nang tanungin naman siya kung boto siya kay DJ para kay Kaila ay naiba ang kanyang linyahan.

“Ayokong ma-involved,” sabay tawa ng malakas.

At sa sumunod na tanong, ang perky eyes ni Gelli ay nanlaki. Ano ang masasabi niya sa kumakalat na isyu na diumano’y buntis ang kanyang pamangking si Kaila at dahil dito, may pelikula ito na hindi umano matutuloy dahil sa kalagayang ito?

“What?!” parang nakakita ng multo si Gelli sa narinig.

“Hindi ‘yan, hindi totoo ‘yan!” mariing pagtanggi ng aktres.

Siyempre, naniniwala naman kami kay Gelli. Kayo ba?