Raul

Rest in peace, Raul Aragon

Eugene Asis Jan 24, 2026
355 Views

PUMANAW na ang beteranong aktor na si Raul Aragon noong Enero 22, 2026, sa edad na 79.

Kinumpirma ito ng singer na si Gemma Franco Smith na nagbigay-pugay sa aktor, at inalala hindi lang ang husay sa pag-arte kundi ang mga payo nito sa maraming personal nilang pag-uusap.

Si Aragon, na sa huling bahagi ng kanyang karera bilang aktor ay pinalitan ang kanyang unang pangalan ng Raoul, ay nanalo ng Best Actor sa 1979 Metro Manila Film Festival para sa pelikulang Ina Ka ng Anak Mo sa direksyon ni Lino Brocka, at nominado rin sa Gawad Urian.

Pinasalamatan ni Gemma ang aktor sa iniwan nitong ambag sa pelikulang Pilipino

Matagal nang based sa California, USA si Raul.

Ganito rin ang announcement ng singer na si Malou Toler:

“We are deeply saddened to announce the passing of our dear friend and multifaceted professional, Raul Aragon, who served as an actor and realtor. May he rest in peace.

Raul, was so kind, generous and fun to be with. Never acted like star in the office. He was always calling me the life of the party.

I got along with him and I will miss him very much💔💔💔