Calendar
GenTri nagdiwang ng Caracol
GENERAL TRIAS CITY, CAVITE–Buhay ang kultura ng Caracol sa pagdiriwang ng kapistahan ng siyudad na ito bilang pasasalamat sa mahal na patron ng San Francisco de Malabon noong October 2.
Nagtutulungan ang simbahan at LGU ng GenTri upang makapagdulot ng higit na kagalakan sa mga residente at mga deboto.
Ayon kay Rev. Fr. Oliver Genuino, kura paroko ng St. Francis of Assisi, tradisyon ng mga Caviteño, partikular dito sa General Trias, ang caracol para sa debosyon na ipinagdiriwang taun-taon.
Ang Caracol ay isang sayaw sa himig ng marching band na gumaganap ng magkakasabay na mga hakbang na ang mga pangunahing layunin ay ang magpakita ng pasasalamat sa mga biyayang natanggap.
Kasama sa taunang selebrasyon ang Pet Festival, Pabialahay o Pabinyagan ng Alagang Hayop, Grand Pasayo: Battle of Champions marching band competition, Fiesta Jam at Fireworks Display sa kapistahan sa Oktubre 4.

