Calendar
Gonzales sinagot patutsada ni Bato sa ICC probe ng Kamara
IGINAGALANG umano ni House Deputy Speaker and Pampanga 3rd District Rep. Aurelio Gonzales Jr. ang pahayag ni Sen. Ronald dela Rosa subalit dapat din umano nitong igalang ang ginagawang pagganap ng Kamara de Representantes sa mandatong ito.
“We respect the opinion of Sen. Bato de la Rosa, but we ask for parliamentary courtesy from our esteemed colleague in the Senate,” sabi ni Gonzales.
“As the senator very well knows, the House of Representatives is mandated to act on resolutions filed by its members regardless of political affiliations in the same manner that the Senate takes action on measures presented by senators,” giit ng kongresista.
Ayon kay dela Rosa, ginagamit ng Kamara ang imbestigasyon ng ICC upang patahimikin ang mga Duterte.
Isa sa mga trabaho ng Kamara de Representantes ay dinggin ang mga inihahaing resolusyon ng mga kongresista.
Tatlong resolusyon ang nakahain ngayon sa Kamara na nananawagan sa gobyerno na payagan ang International Criminal Court (ICC) na makapagsagawa ng imbestigasyon kaugnay ng madugong war on drugs campaign ng administrasyong Duterte.