Festival Pinangunahan ni Laguna Gob. Sol Aragones ang grand opening ng Anilag Festival Level Up. Naging panauhin sa nasabing kasayahan si Sen. JV Ejercito. GIL AMAN

Grand opening ng Anilag Festival Level dinumog ng mga opisyal, celebrity, residente

Gil Aman Mar 17, 2026
313 Views

Sta Cruz, Laguna — Masaya ang grand opening ng Anilag Festival Level Up kahapon araw ng Martes March 17, 2026 kasabay ng masayang pagbubukas na isinagawa sa Laguna Provincial Capitol sa Sta Cruz, Laguna.

Pinangunahan ni Laguna Governor Sol Aragones ang miyembro ng Sangunian Panlalawigan kasama si Bise Gobernador JM Carait, mga alkalde at bise alkalde ng Laguna at mga panauhin sa pagbubukas ng nasabing festival.

Nagbigay ng mahalagang mensahe si Senador JV Ejercito bilang panauhin sa magarbong pagbubukas .

Isa na binigyan diin ni Sen. Ejercito ang pledge na P100 milyon na tutugon sa pagpapatayo ng ospital para sa mga Lagunense.

Ayon kay Gov. Aragones ang Anilag Festival Level Up ay maituturing na iba sa lahat dahil hindi lamang ani sa Laguna dahil ipinakita dito kundi ang lahat na talento ng probinsiya.

Itinatampok din ang magagandang tanawin tulad ng magagandang simbahan na hinihikayat na makaakit ng maraming lokal at banyagang turista.

Kaakibat din dito ang mga ipinagmamalaking pagkain mula sa iba’t ibang siyudad at bayan na tanging sa Laguna lamang matitikman.

Pinasaya din ang pagbubukas kasama ang mga miyembro ng Sex Bomb Dancers na nagpamalas ng kanilang pinasikat na sayaw na kinilala sa buong bansa.

Nagpamalas din ang mga lokal at talented na mga Lagunense sa laragan ng pagawit at pagsayaw.