Holdap

Helper binoga ng dating ka-live in ng dyowa, dedo

39 Views

TIGOK ang helper na pinagbabaril ng lalaking bagong laya sa rehas sa Brgy. West Kamias, Quezon City, noong Sabado dahil sa selos dahil kinakasama ng biktima ang dati niyang live in partner.

Ayon sa report, dakong alas-1:00 ng hapon nang puntahan ng suspek ang bahay ng biktima.

Pagdating doon, nadatnan umano nito ang dating kinakasama na kasama ang bagong live-in partner.

Walang sabi-sabing bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang biktima sa kaliwang dibdib na naging sanhi ng agarang pagkamatay nito.

Matapos ang pamamaril, tumakas ang suspek dala ang ginamit na baril at humingi ng tulong sa mga opisyal ng barangay at pulisya ang dating live-in partner ng suspek.

Narekober ng mga SOCO operatives ang isang basyo ng 9mm na bala at isinailalim sa awtopsiya ang labi ng biktima.