police Kinilala ni Police PLt. Col. Bryan Sagayadoro, commander ng Sampaloc Police Station 4, ang mga suspek na naaresto sa buy-bust sa Sampaloc, Manila.JONJON C. REYES

Mag-utol na bebot, kasabwat na kelot dinampot sa P.5M shabu

Jon-jon Reyes Jul 26, 2026
44 Views

NALAMBAT ng mga operatiba ng Sampaloc police station ang tatlong suspek ng tulak sa buy-bust at nasabat ang 75 gramo ng shabu na may halagang mahigit P.5 milyon sa Algeciras St., Brgy. 422, Zone 43, Sampaloc, Manila noong Sabado.

Nakilala ang mga suspek na sina alyas Ayeng, 27; Myra, 30; at Mau, 34, na ngayo’y nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002).

Ayon kay Police PLt. Col. Bryan Sagayadoro, commander ng Sampaloc Police Station 4, bandang alas-3:30 ng madaling araw ng ilatag ang buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pamumuno ni PCapt. Renmar Clifford Raval na nagresulta ito sa pag-aresto sa mga suspek at pagkakumpiska ng mga ebidensya

Kabilang sa nasamsam ang 75 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P510,000, 1 P500 bill na buy-bust money at 1 pouch na may tatak na Christian Dior.

Ang mga nakumpiskang droga ay dadalhin sa Manila Police District Forensic Unit (MPDFU) para sa pagsusuri.