Holdap Kulungan ang kinahantungan ng suspek sa panghoholdap matapos maaresto ng kanyang biktima sa Ma. Orosa St., Ermita, Manila.

Holdaper nadapa habang hinahabol ng biktima, huli

Jon-jon Reyes Aug 4, 2026
34 Views

ARESTADO ang lalaki na nanutok ng patalim at holdapin ang empleyado ng Manila Department Social Welfare (MDSW) Maria Orosa St., Ermita, Manila noong Lunes.

Ang suspek, si alyas Leopoldo, 49, inaresto ng biktima na si alyas Angeloto, 46, matapos siyang holdapin nito

Ayon sa report, bandang alas-6:30 ng gabi nang mangyari ang insidente.

Ang suspek ay naaresto matapos ang robbery

Nakumpiska ng biktima ang isang itim na pouch bag na naglalaman ng IDs at ATM card at 13-pulgadang kutsilyo.

Batay sa salaysay ng biktima, habang nakaparada siya biglang lumapit sa kanya ang suspek at itinutok sa kanya ang isang matalas na armas.

Inutusan ng suspek ang biktima na buksan ang kanyang sasakyan. Dahil sa takot para sa kanyang buhay at kaligtasan, sumunod ang biktima.

Sinubukan ng suspek na tumakas mula sa lugar subalit hinabol ng biktima na natisod at natumba kaya nadakip siya ng biktima.

Inihahanda ang mga kaukulang reklamo na isasampa sa suspek.